sabi na

Magsasawa din ako. Titigil ng kusa. Wala din naman kasing mapapala kung patuloy lang na maghihintay ako at aasa. And again, naisip ko na ito noon pa, kailangan lang talaga na hintayin ko ang pagkakataon na ako na mismo ang aayaw. Sana lang magtuluy-tuloy na ito. Ako na din kasi ung lumalabas na naghahabol eh hindi ko din naman alam kung anung gagawin ko kung sakaling mahabol nga ako. Katulad nga ng sabi sa kanta ni Sarah Geronimo, ikot-ikot lang, ikot ikot ikot. Am finally breaking free of this cycle. Nagawa ko naman na un noon, at masaya ako na nagawa kong muli.