Namiss kong bigla mga kaibigan ko

Hay. Namiss ko naman bigla mga kaibigan ko.

Walong taon na din mula nung nagmigrate ako dito sa States. Simula noon, nasanay na ako na laging nasa maliit na screen lamang kapag may picture taking. Screenshot para lang masabing andun ako, kasama nila, in spirit o via Skype.

Dalawa sa kaibigan ko nung college eh may asawa’t anak na. Ngayon nga eh binyag nung anak ng isang barkada ko kaya nagkita-kita sila. Kaya din ako tumawag. Salamat talaga sa technology kasi kahit malayo ako, nakakabalita pa din ako sa kanila. Nakakamiss lang talaga ung as in personal na nakikita ko sila, nakakausap. Basta ung feeling na andyan sila, isang tawag lang, pwede nang magkita.

Oh well, katulad nga ng sabi ko, nasanay na din ako. Kahit naman malayo, alam ko na andyan sila para sa akin, at ganun din ako sa kanila. Hay. Nagdadrama na naman ako, hehe.

Nga pala, isang taon ang pagitan ng mga litrato sa itaas. Ang iksi pala talaga ng buhok ko last year. Ampogi ko lang.