iamcar.me/page/540

Paanong may bumisita sa blog ko na ang napuntahan eh Page 540 sa halip na itong homepage. Hindi ko alam kung paano nangyari un. At dahil nacurious ako, kinlick ko naman at napunta ako sa posts ko 2 years ago. Next page, next page. Hay. Parang nabuksan ang Pandora’s box. Ok, exag naman pero ganun eh. Mga litrato, mga blogposts. May mga bagay talaga na hindi na dapat inaalala o nababasa. Out of sight, out of mind. Nasa in denial stage pa din ako, kaya mas mabuti pang umiwas na lang. Nakakatawa lang kasi mismong blog ko na ang dapat kong iwasan. Hay.