free time

Kakatapos ko lang ng pangatlong object ko. Naghihintay na lang ngayon ng test data at wala pa namang ina-assign sa aking bagong development. So may free time ako. Kaya pwedeng magblog.

Well. Wala naman akong ikukwento. Actually, nitong mga nagdaang araw, mas gusto ko pang hindi na lang magisip o makaramdam. Ang drama nun, pero un ang totoo. Parang tinatamad na akong gumawa ng effort sa kahit na ano. Mas gugustuhin ko pang sa bahay na lang ako, manonood ng Glee. Well, hindi naman as in totally nagpapakaloner ako. Kung kaclose kita, eh di kakausapin kita. Wala lang akong ganang makipagkilala at makihalubilo sa mga hindi ko kilala. Less interaction, less heartbreak. Ano daw? Hay. Ano na bang nangyayari sa akin?

Eh paano ko makikilala ung future ex-boyfriend ko kung magpapakaloner ako diba. Ewan. Hihintayin ko na lang sigurong may kumatok sa bahay namin at magpapakilala na sya na ung makakatuluyan ko. Kung posible lang talaga na makasilip man lang sa future, para lang malaman ko kung magkakaroon ba ako ng happy ending, eh di ayus. Chill lang ako ngayon. Pero hindi kaya eto, magte-trenta na ako sa isang taon, single pa din.

Sigh. Dapat tigilan ko na itong pagdadrama.

Parang narinig ata ako ng lead ko, kasi may inassign na syang object sa akin. Alright. Back to reality.