May 2014

So plano kong umuwi next year. Plano namin ng kapatid ko. May. Dalawang linggo. Actually, parang less than 2 weeks lang nga. Nagpaplano na ung kapatid ko kung saan sya pupunta kasama mga kaibigan nya. Ako, ewan. Hindi ko pa alam. Parang wala akong masyadong pupuntahan next year. Kakauwi ko lang din kasi last March. Hindi pa ako excited.

Alam mo kung saan ako excited? Magja-Japan kasi kami after! Wooot! Sa wakas, makakapunta na din ako dun. Alam na. Hello Kitty. Sushi. Tokyo. Gah. Tinanong ko nga kapatid ko kung pwedeng mas matagal kaming magstay sa Japan. Bale 5 days lang kasi kami dun, eh tas 2 weeks sa Pinas. Kung pwedeng baligtad na lang. Syempre hindi naman din pwede dahil uber mahal sa Japan. Feeling ko nga mamumulubi ako sa loob ng limang araw. Hindi din ako masyadong gagastos sa Pinas. Magpapalibre ako sa mga kaibigan ko na ime-meet ko.

Saan nga kaya ako pupunta? Sinu-sino ime-meet ko? Ewan. Matagal pa naman.

JAPAAAAAAN!