OA

Ang OA ko lang minsan kung makapagsabi na single ako at hindi makahanap ng jowa eh kitang dalawang buwan pa lang akong single. Parang ang tagal na kasi eh.

OA Mimay.

Match tayo.

Isang click na lang, muntik na akong gumawa ng account sa Match.com. Pero ewan ko ba, hindi ko magawa eh. Nakita ko pa lang ung mga litrato ng mga tao, natakot na ako, haha. Duwag si Mimay. Dalawa ung dahilan kung bat ako natatakot – una, paano kung may magkainterest nga. Hindi ko alam kung ready na akong “makipagdate”. Hindi ko din alam kung magiging interesting din ba ako in real life dahil online profile ko ung magugustuhan nila. Katulad nga ng sabi ko dati, awkward ako sa totoong buhay. Pangalawa, paano kung walang magkainterest. Mas masakit ata un eh no. Talaga bang hindi ok ang personality ko na kahit online eh walang magkakainterest. Haynaku. Kung anu-ano na iniisip ko eh kitang hindi ko nga magawang i-click ung Begin Now.

Ready na ba ako? I mean, magsi-sign up lang naman diba? Wala namang mawawala sa akin. Parang Facebook o LinkedIn lang, pero ang kaibahan lang eh lahat ng tao dito eh looking. Arrrgh. Un nga siguro ang kinakatakot ko. Parang ang pressure lang. Haha. Tas paano kung may magkagusto sa akin pero hindi ko sya magustuhan. Anakngtukneneng eh no. Ginagawa ko nang kumplikado eh wala pa nga.

Online dating. Why not. Siguro matapos kong isulat itong entry, magkakalakas ng loob na akong magsign up. O pwede ding patunayan ko ang pagiging duwag ko. 

Mabuti pang itulog na lang ito.