eh sinong nakalimot ng telepono nya?

Sabi ata ni Papa God, “Mimay, tinutulungan kita sa trabaho mo, tingnan mo, matatapos mo na yang object na sinimulan mo last week. Pero dapat magfocus ka naman sa trabaho, hindi yang maya’t-maya eh nakatingin ka sa telepono mo at naglalaro ng Candy Crush at Juice Cubes. Kapag hindi ka pa tumigil, sasadyain ko na makalimutan mo ang telepono mo.”

At un nga ang nangyari.

Papa God talaga o, palabiro. Pero surprisingly, ok lang sa akin na naiwan ko ang telepono ko. Medyo nagpanic lang ako saglit dahil baka wala sa bahay ung phone ko at kung saan ko pala naiwan, kaya napatawag ako sa nanay ko. Salamat na lang at sinimulan ko nang i-save ung contacts ko sa Google account ko dahil wala akong number na kabisado. Ayun, buti na lang, nasa bahay nga, nasa table ko.

So kailangan ko nang magfocus sa work. Babawasan ko na din ang pagoonline dahil baka mawalan din ako ng internet o trabaho sa ginagawa ko, mahirap na. Salamat na lang at may iPod, soundtrip habang nagco-code.

Makayanan ko kaya ang walang telepono buong araw? May lakad pa naman ako mamayang gabi. Oh well. Tingnan na lang natin.