ubos na naman ang puso ko sa Candy Crush at Juice Cubes. now what?

Sabi ko dati hindi ako maglalaro ng Candy Crush dahil ayokong maadik. Matapos ang ilang buwan, kung kelan sawa na ang mga tao at malamang eh nasa Level 200 something na ang karamihan, nagsimula akong maglaro at ngayo’y hirap makalampas sa level 28. Ngayon, hindi lang isang mobile game ang nilalaro ko, dalawa pa. Kaya naman kapag kumpleto ung buhay ko sa dalawang game, mga 30 minutes mo akong hindi makakausap. Ngayon, ubos na ung buhay ko, kaya wala na akong magawa.

Ang saya ngayong araw, pwera-bati. Nakakagulat nga kasi gising na ako simula kaninang alas-sais ng umaga pero hindi pa ako inaantok at good mood pa din ako kahit na alas-nuebe na ng gabi. Nakapag-volunteer sa trabaho, natapos i-code ung object na inassign sa akin na due sa Friday at sa wakas, nakakain ako ng lemon pepper wings at tinapay galing Wingstop. Simple lang naman ang kaligayahan ko eh. Wings lang, masaya na ko, hehe.

Dalawang araw na lang ako papasok, 5-day weekend ko na! Oh yeah. Wala naman akong ibang balak gawin, so malamang sa bahay lang ako, magaayos ng gamit at manonood ng Glee. Baka this weekend na ako magtapon ng mga gamit na hindi ko naman na kailangan. Depende pala kung sisipagin ako. Baka matulog lang ako maghapon.

Share ko lang. Nakakatuwa lang na binilhan nya ng sapatos ung dalawa kong pamangkin, hehe. Para daw sa future niece in law? LOL. Asa. I’m just happy to have a friend like him. Yup, isa din sya sa dahilan kung bakit masaya ako ngayong araw na ito. 🙂