Galit ako sa’yo. Nakakaasar ka. Bakit kailangang iparamdam mo ito sa akin? Na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Na gagawin ko ang lahat para sa’yo. Masyado na akong manhid sa sakit para makaramdam ng ganito, pero nagawa mo pa ding saktan ako ng di mo sinasadya.

Pucha. Nakakainis ka. Hindi ko na ibibigay ung regalo ko sa’yo, gamit ko na ngayon. Binuksan ko na kagabi para hindi na ako magdalawang isip pa kung ibibigay ko pa ba sa’yo. Bahala ka na.

Bat ka kasi ganyan?