All Time Low

Hindi ito post tungkol sa banda.

I still have Mimay moments once in a while. Napapadalas lang nitong mga nakaraang araw, dala na din siguro ng holidays – malamig, madaming party na kadalasan eh couples ang bisita, malamig. Ilang buwan pa lang akong single, nangangati na naman akong magkaboyfriend. Nakakabanas lang. May ganung tao ba? Ung as in kailangang may significant other para lang magfunction? Ok, OA naman un. Basta, ung gusto eh may nagmamahal at may minamahal. Korny.

Sasabihin ko ulit, I have all the love in the world and nobody to give it to. Don’t get me wrong, mahal ko ang mga kaibigan at pamilya ko. Bakit hindi ko na lang sa kanila ibuhos ano? Masusuklian pa ung pagmamahal na un dahil alam ko na kahit anong mangyari sa akin, kahit anong gawin ko, mamahalin pa din nila ako. Hmmm, siguro un eh. We all long for something that we don’t have, tapos we take for granted kung ano o sino ang meron tayo. Human nature. I’ll be 30 next year. Parang ako lang naman ung naglalagay ng pressure sa sarili ko. Hay. Sadface. 

Gusto ko lang naman ung meron akong matatawag na akin. Na mamahalin ako. Ung makakasama ko lagi, makakausap. Pero hindi ko naman din sya mahahanap kung lagi lang akong nakaharap sa computer at nagboblog. Oh wait. Ha. I guess dumarating talaga ang love kahit nasaan ka.

so matatapos na ang 2013, kailangan nang magbago. So bawal na din malungkot. Well, pwede pa din, pero di na ako masyadong magrereklamo. Ok wait, mukhang may mabbreak na kagad akong resolution ah.