FEELS

Halos 30 minutes din ako nagbrowse sa FailBlog. Nakakatawa. Medyo nakalimutan ko na nga kung bakit ako napunta dun. Madali na talaga akong madistract ngayon. Anyways, napunta ako dun kasi hinanap ko kung anung ibig sabihin ng FEELS. Alam ko naman ung ibig sabihin nun, wala lang, naninigurado lang. At un nga, napunta ako sa knowyourmeme.com, at sa FailBlog. At dun na naubos ang kalahating oras ko.

FEELS. Ngayon ko napatunayan na nagbago na ako. Hindi na ako tanga pagdating sa pag-ibig. Medyo tanga na lang, improving.

Buong araw akong may sakit, well, hanggang ngayon. Masama ang pakiramdam, walang ganang kumilos. Sinisipon, masakit ang ulo. Maghapon lang akong natulog at nanood ng Glee. In short, nagpakaloner ako. Wala akong ganang makipagusap sa tao. Iniligo ko na lang ang sama ng pakiramdam ko, pero walang epekto.

Mga bandang alas-singko ng hapon, nagtext sya. “Are you sick?” Nun ko narealize na hindi pala ako nakapagreply sa messages nya kagabi. Nabasa ko ung message pero di ako nagreply. Pero goodluck, maya-maya nagriring na ang telepono ko. Tumatawag na sya.

What?

What do you mean what? Say hello first.

I did but you didn’t hear me. What’s up?

Are you sick? You haven’t replied to my messages since last night.

Messages? I just got one message from you asking if I’m sick.

Well, are you?

Yeah.

No you’re not. You can still talk, so you are fine.

Anakng. Nagtanong kung may sakit pero mas marunong pa sya sa akin. Ok, cge. Sya na. Sinabi ko sa kapatid ko ung nangyari. Isa lang ang nasabi nya, “Boyfriend?”

Ewan ko ba. Sa sobrang sanay na ako sa taong un, hindi ko na naiisipan ng kung anu-ano ung mga ginagawa nya. Ako lang din kasi ung mahihirapan kung bibigyan ko ng meaning ung mga simpleng ganyan. Pero nakakapagtaka diba? Kahit papaano, nagkakaroon pa din siguro ako ng hope na pwede ngang maging more than friends kami. Pero until some miracle happens at sasabihin nyang “Carme, I love you”, eh hanggang pangarap na lang muna.

“Feels” is a shorthand for the word “feelings” that is used to describe an intense emotional response, such as sadness, excitement or awe. The term is also commonly associated with the phrase “right in the feels,” which indicates that something has deeply affected the speaker.

Medyo lang naman ung feels ko. Meh.