Sa pagpapalit ng taon kagabi (Central Time), kausap ko ung mga kaibigan ko. Nagbatian ng Happy New Year sabay banggit na “Sana magkaboyfriend ka na ngayong taon”. Nakakatawa kasi halos lahat ng makausap ko, un ang sinabi. Kaya pinost ko sa Facebook. Pagkapost ko, ummm, hindi ko alam kung matutuwa pa din ako.

Ambilis lang maglike at magcomment ng mga tao, haha. Iisa lang ang gusto nila para sa akin, well, un din naman ang gusto ko.

Goodluck na lang kung sino ka man, lols.

Make your mistakes

I hope that in this year to come, you make mistakes.

Because if you are making mistakes, then you are making new things, trying new things, learning, living, pushing yourself, changing yourself, changing your world. You’re doing things you’ve never done before, and more importantly, you’re Doing Something.

So that’s my wish for you, and all of us, and my wish for myself. Make New Mistakes. Make glorious, amazing mistakes. Make mistakes nobody’s ever made before. Don’t freeze, don’t stop, don’t worry that it isn’t good enough, or it isn’t perfect, whatever it is: art, or love, or work or family or life.

Whatever it is you’re scared of doing, do it.

Make your mistakes, next year and forever.

Neil Gaiman (via quotes-shape-us)

2013

So, saan ako magsisimula.

Naging maayos naman ang 2013 ko. Naging masaya, nalungkot, nagmahal, naheartbroken, nagpatuloy ang buhay. Madami akong narealize sa sarili ko, mga bagay na dapat itama at baguhin, mga bagay na kailangan kong tanggapin dahil ako un. Disappointments? Meron naman siguro pero wala akong maisip sa ngayon. Regrets? Kumpara noong 2012, wala naman akong sobrang niregret sa mga naging desisyon ko ngayong taon. Sumubok magmahal ulit pero hindi naman pala talaga dapat. Ang nakaraan ay hindi na dapat binabalikan. Pero wala eh, tao lang din, nagmahal.

May mga naging bagong kaibigan din ngayong taon, at mas madaming happy hour ang naganap. Napadalas ang panonood ko ng sine mag-isa. Ok lang naman pala un, lalo na kung wala ako sa mood makipagsocialize. Nakatapos ng Project 365, na alam kong sobrang nagsawa ang followers ko sa instagram dahil sa araw-araw na pagpopost ng paa ko. Kailangan ko palang magisip ng panibagong project, sana may maisip ako bukas. 

Super thankful ako sa blessings na binigay sa akin ngayong taon. Lalo na sa trabaho. Tumaas ang sweldo at naging programmer na sa wakas. Super thank you Papa God. Bibihira ang mga ganitong pagkakataon kaya naman sobrang nagpapasalamat talaga ako. Pamilya, nagkaroon man ng mga tampuhan at di pagkakaunawan, naging maayos naman ang lahat. May mga araw na nakakabanas sa bahay, pero napatunayan ko na pamilya lang talaga ang makakasama mo through thick and thin. Andyan sila para sa’yo kahit na ano ang mangyari.

Kahit na madalas akong magpost dito sa blog na badtrip o malungkot ako, naging positive naman ang 2013 ko. Mas nakakapagblog lang talaga ako kapag malungkot, hehe.

Sa pagdating ng 2014, wala naman akong expectation masyado. Basta maging masaya lang ako kahit na ano ang mangyari. Ay gusto ko pala makapagtravel! May isa na akong mapupuntahan, Japan. 😀 Mas madami pa! Magbabasa na din ako ng mas madalas. Kung may darating na para sa akin, why not. Kung wala naman, eh di ibo-blog ko na lang, haha.

Salamat 2013. Hello 2014!