Alam mo ung parang (500) Days of Summer ung eksena kanina? Minus the kissing scene nga lang. Sayang.

Nakatanggap ako ng e-mail kanina. May modifications akong kailangang gawin sa natapos kong objects. Chineck ko ung changes, not bad naman, kailangan ko lang i-print ung docs. Sinend ko sa printer ung dalawang documents na kailangan ko, nilock ang laptop tapos ay pumunta na sa printing room.

Andun ka.

Nagpiprint ka din at nagbiro ka pa na madami kang piniprint, 100 pages. Kung alam mo lang, ok lang sa akin maghintay. I don’t mind na tumayo lang dun kasi makakausap kita. Ganun nga ang nangyari, ilang minuto din tayong nagusap, inantay matapos magprint. Kumustahan lang. Kinumusta ko ung current project mo, tinanong mo din ako. Ang cute mo lang, hay. Hehe.

Natapos magprint. Sabay pa tayo ng sinabi, “That’s it?” Buti na lang at huling naprint ung akin kaya di na tayo nahirapan maghanapan ng kung kanino ang alin. Buti nga ba? Nagpaalam na tayo sa isa’t isa, sabi mo pa, “It was nice seeing me”. Nice ba talaga? 🙂

Hawak ko ang design documents, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ewan ko kung ano itong nararamdaman ko para sa’yo, pero nakakatuwa lang na makita ka. It was nice seeing you too.