Her

The past is just a story we tell ourselves.

Nakita ko pa lang ung trailer, gusto ko nang mapanood ang Her. Feeling ko makakarelate ako. Kaya naman opening day, inaya kong manood ang kapatid at sister in law ko.

Hindi nila nagustuhan ung movie.

Ako? Hmmm. Mixed emotions.

Actually, hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano ba ang tingin ko sa movie. Nagustuhan ko sya pero may mga scene lang talaga na parang Huh? Nangyari un? Posible ba un in real life?

Ung premise pa lang ng movie – nainlove ung main character sa isang OS. Itong OS naman na ito, nakakainteract sa mga tao, so mala-Siri lang ang dating pero may ability ito na matuto sa mga nae-experience nya. So parang Android OS na nagsasalita. Tas ayun, nainlove sila sa isa’t-isa na as in *spoiler alert* nagkaroon sila ng relasyon. And for some weird reason, tanggap ito nung ibang characters sa movie. Ewan, basta weird. Napapailing na lang ako eh.

Nagustuhan ko sya in the sense na lahat kasi ng tao hirap magexpress ng nararamdaman nila. And all we need is companionship na un ang dala ng OS na ito sa kwento. Hindi naman mahirap makagaanan ng loob ang isang tao kapag lagi mo itong nakakausap. Kapag bago at nasa getting to know you stage pa lang. Nung bago ko panoorin itong movie, napagusapan namin ito ng mga kaibigan ko. Posible daw ba na mainlove ka sa isang tao na boses lang ang naririnig. Hindi na ako sumagot, dahil alam kong posible.

At all throughout the movie, naalala ko ung mga ginawa ko dati. Kung paanong nagwork ang isang relasyon kahit na hindi mo sila nakakasama parati, na gumagawa kayo ng memories kung ano lang ang meron kayo. May eksena sa movie, magkausap ung lalakeng character at ung AI. Nagpatugtog ng kanta ung computer, tinanong nung lalake kung ano daw ung kanta, sumagot ung computer na dahil wala silang picture na magkasama sila, ung tunog na lang daw na un ang magsisilbing camera na kukuhanan ang mga sandali na magkasama sila. Hay.

Romantic pero ewan, wala na siguro ako sa ganung phase. Mas nagiging realistic na ako kaya din hindi ko masyadong na-appreciate ung movie. Naappreciate ko, hindi lang sa level na inaasahan ko.