Mimay Soundtrack for 2014

Well, so far, so good. Wala pang palya ung Project 365 ko para ngayong taon. Sana magtuluy-tuloy ito, sana wala akong mamiss na araw. Akala ko madali lang itong project na ito. Isang araw, isang kanta, walang problema. Pero may problema eh. Sa dami ng kanta na pwede kong i-post, paano ako makakapili kung ano nga ba ang kantang ilalagay ko. Hay. Napakahirap. Kaya naman, nakaisip ako ng ideya, (thank you self!). Why not, lagyan ko ng theme kada buwan – pwedeng by artist o genre. O di kaya eh theme. Pwedeeeeee. Mas mapapadali ang pagpili ko, oh yeah.

Since nasimulan ko na January, may syam na araw pa ako para pahirapan ang sarili ko sa pagiisip ng kanta. Tas eto naman ung theme para sa mga susunod na buwan:

  • February – Love songs. Obviously dahil Valentine’s.
  • March – All Kpop. Buong buwan na panay K-pop songs.
  • April – TV/Movie-theme month. Theme songs ng mga pelikula at tv shows.
  • May – Hmmm, medyo mahirap itong buwan na ito dahil dalawang linggo akong nasa bakasyon. Songs about travel/places. Pwede.
  • June – Wedding month. Well, hindi pa naman ata ako ikakasal anytime soon, pero eto lang ung naisip kong theme. Malay natin, baka mahanap ko ung perfect wedding song ko.
  • July – Glee covers. Dahil July namatay si Cory Monteith. I miss you Cory.
  • August – OPM month. Dahil Linggo/Buwan ng Wika sa Pilipinas.
  • September – All-Request month. Kada araw, may tatanungin ako, randomly, kung ano ung paborito nilang kanta. Sino ang tatanungin ko? Ewan, pagdating na lang ng September saka ko poproblemahin.
  • October – Dahil birthmonth ko, ipo-post ko ung Favorite Songs of All Time ko. Sana lang eh hindi ko pa napopost ung mga paborito kong kanta.
  • November – Taylor Swift month. Ha. Fan ako ni Taylor Swift, minsan na din akong nakapunta sa concert nya (nataon kasi na birthday ko). I like her music, at tingin ko, may higit na 30 songs na naman na sya, so pwede.
  • December – Christmas songs! Eto na ata ang pinakamadaling buwan.

Looks doable, well see. On the spot din itong pagiisip ko. As in habang nagsusulat ako nitong entry, saka lang ako nakaisip ng idea, hehe. Sana magawa ko. Aja!

In case curious ka kung anu-ano na ung mga kanta na napost ko, eto ung link: https://iamcar.me/category/mimaysoundtrack365/. 🙂