Nanood ako ng She’s The One kahapon. Maganda naman ung kwento, kahit ano talaga Bea movie, maganda at nagugustuhan ko. At katulad ng mga Pinoy movies na napapanood ko, for some reason eh un ung kwento ng current lovelife ko. Well, walang lovelife, nagfefeeling lang.

Friendzoned. Mahal ang bestfriend pero hindi naman kayo. Same old story, different guy. Hindi na talaga ako natuto eh no? Oh well. Anyways, may isang scene akong nagustuhan dun sa movie. Eto ung after na magaway ni Bea at Dingdong dahil nasabihan si Bea na pseudo girfriend sya ni Dingdong. Tas umiiyak sya habang kausap ni Maricar Reyes. Natamaan lang ako sa mga sinabi ni Maricar.

Ilang beses mo nang sinabi na tanggap mo nang hindi na magiging kayo.
Hindi sya ung lalake na kailangan mo sa buhay mo.
But Kat, you never really let go.
You tell me you’re looking for a responsible, faithful and kind man. Everything that Wacky is not.
But I think, this is what you hope Wacky could be.
Naniniwala ka na kaya nyang magbago.

He has his moments but I think you’re holding on to moments.
You’re holding on to your idea of who you want Wacky to be.
You should move on and let go for real this this time.

Alam mo ung bigla na lang akala ko eh ako ung kausap ni Maricar Reyes. Ilang beses ko na nga naman kasing sinabi na OK lang ako na friends lang kami pero may mga araw na ayan, magdadrama ako sa kanya dahil nagseselos ako. Hindi pala talagang OK lang sa akin. Hanggang sa eto na, present time, tuluyan na kaming hindi naguusap.

Well, at least happy ending ang movie. Hindi naman kasi un nangyayari in real life, kung mangyari man, bibihira. Pero un nga, dapat talaga makapagmove on na ako. Dapat Mimay.

quarkhenares:

so you know the number one question people have been asking me for the past two years? i finally have an answer. 

we launch very soon, people. stay tuned for the details!

(thank you to doranne lim and philbert dy for helping make the gif. internet, i hate you sometimes)

rakenrol:

now available on DVD at all video outlets nationwide (Astrovision/Astroplus/Odyssey/SM Music & Video/Landmark).

yes. sakto sa paguwi ko sa Pinas ng May.

Kung naging kaibigan kita nung Highschool at college, alam mo siguro na problema ko ang pagpapaalam sa mga magulang ko lalo na kapag mago-overnight kasama ang mga kaibigan – madalas ay hindi ako pinapayagan. Haha.

So ayan, uuwi ako sa May, pero yan ang reply ng mga kaibigan ko. Pero un nga  papayagan nga kaya ako? Sana. Hehe