have you played flappy bird?

So, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng “dating”. First time ko kasi na maexperience yan sa buong buhay ko. Dating ba eh ung as in araw-araw kayong magkausap, tungkol sa kahit na ano. Magsisimula sa pagtatanong kung kamusta ang araw tapos ay magkukwentuhan na hanggang sa makatulog. Dating ba ung magpaplano kayong kumain sa labas, maguusap ng halos tatlong oras pagtapos eh yayakapin ka bago umuwi. Dating na ba yan? Hindi ko kasi alam.