ala-una ng hapon

Hindi pa ako naglulunch.

Sigurado akong kapag nalaman ito ng mga kaibigan ko sa trabaho, magtataka sila. Madalas kasi maaga akong maglunch. Alas-nuebe darating ng opisina, tapos alas-onse ng umaga magtatanong na ako kung ano o saan kakain ng lunch. Pero heto ako ngayon, magaala-una ng hapon, hindi pa kumakain.

Inaya mo kasi akong maglunch. Tinanong mo pa ako kaninang umaga kung maglulunch tayo, casual lang ang sagot ko, “yeah, sure”. Sabi mo’y mga alas-dose. Nun pa lang nalaman ko ang oras, napaisip na ako. Meh, ano naman kung late na maglunch, ok lang din. Kaya ayun, hindi ko na inisip na magtanong sa ibang kaibigan ko kung anong plano nila. Wala din naman akong makakasamang iba kasi halos lahat sila ay work from home. So ok na din na inaya mo ako.

Dumating ang alas-dose, nagmessage ka. May tatapusin ka lang ng mabilis dahil may biglang binigya na trabaho sa inyo. Well, ok lang naman sa akin dahil may ginagawa din ako. So sabi ko na lang “no worries”. Dumaan ang 30 minutes, nagmessage ka ulit. Hindi mo naisip na matatagalan ang ginagawa mo. Well, hindi naman ako pwedeng magalit sa’yo. Ginusto kong sumama sa’yo.

*insert conversation here*
Hindi ko alam kung paanong may “smiley face” pa din ung mga reply ko. I don’t mind, really. Since nanghintay na din naman ako, lipas na din ang gutom, hehe.¬†

<edit> well, binigay ko sa kanya ung blog URL ko at late ko  nang narealize na binlog ko pala sya. buti na lang hindi sya nakakaintindi ng tagalo. </edit>