Barista

May bumisita sa blog at itong post ko noong Sept. 2012 ang nabisita. Walang referring link kaya nakakapagtaka kung bakit sa lahat naman ng posts eh eto pa ang makukuha. Oh well, papel, salamat sa pagdalaw dito sa blog! šŸ™‚

Natawa naman ako. Sept. 2012 pa pala nung una kong pinost ung kanta ni Taylor Swift na Begin Again. Ngayon nga eh, wala na ung link sa youtube. At kamusta, noon pala nagsimula ung pagkakaroon ko ng crush dun sa barista sa Starbucks na lagi kong pinupuntahan. Nakikita ko pa din sya ngayon pero wa effect na. Lagpas isang taon na pero bumalik ngayong nakaraang linggo lang ung epekto ng kanta, hihi. Buhay nga naman. Ewan ko ba, masyado lang kasi ako kung magalala. Mangyayari ang mangyayari Mimay, hintay lang. šŸ™‚