You and Me

Sa paghahanap ko ng kantang ipopost ko sa project365, narinig ko ung kanta ni Ben Rector na “You and Me”. Title pa lang, iisipin mo na pwedeng love song. Pero matapos kong pakinggan ung kanta, hindi pala.

Been giving up on the feeling, been giving up on believing, been giving up on you and me, woah
If my hearts still beating in my eyes see it this is how we’ll always be
Oh you and me yeah
You and me, could never be
We’re forever leaving, you and me
You and me

May mga bagay talaga na kahit anong pilit mo, kahit mahal na mahal mo sya, hindi talaga kayo para sa isa’t-isa. Medyo mahirap kong matanggap ang konseptong ito. Para sa akin, kapag may nakilala ka at sinimulan mo syang mahalin, i-try nyo lahat ng magagawa nyo para lang tumagal ang relasyon. Kahit na lagi kayong nagaaway, hindi magkasundo. Basta ang importante mahal nyo ang isa’t-isa, sapat na un diba? Pero un nga, mali. Maling ipilit ang hindi na dapat, lalo na kapag hindi ka na masaya. 

Mga isang taon din ang lumipas bago ko naisip na ang tanga ko. Kung bakit pinipilit ko ang sarili ko sa isang tao na hindi naman kapareho ng nararadaman ko. Makulit ako eh. Akala ko kaya kong mabago ang isip nya. Na kapag andyan lang ako parati, eventually, mamahalin din nya ako. Pero katulad nga nung sabi sa kanta ni Ben, “you and me, we could never be”. Isang taon akong nabulag sa pantasya na pwede akong masaya kasama sya. Eh ngayon, looking back, hindi talaga eh. Totoo nga ang sabi nila, tatawanan mo na lang ang mga ginawa mong katangahan noon. 

Natuto na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari un eh kaya ganito ako ngayon. Malamang. Mas maingat na. Medyo pumapalya pa din paminsan-minsan, pero may improvement naman kahit papaano.