FTW Mimay! :)

Hay, nakakatuwa lang makabasa ng ganyang email galing sa client. “You’ve been a great asset”. Tapos nakaCC pa ung mga bossing. 😀

Mga simpleng recognition na ganito, nakakagaan sa pakiramdam. 🙂

Hindi pa din matanggal ung ngiti ko sa labi.

Nagtext ka nung Lunes ng gabi. Tinanong mo kung pwede akong lumabas anytime this week. Hindi mo mapapangako, pero may araw kasi na libre ka. Libre naman ako after work alam mo yan.

Dumaan ang Martes at Miyerkules. Sabi mo’y busy ang schedule mo. Alam ko din naman un, kaya hindi ka din nakakapagtext masyado. Ok lang naman sa akin un eh, kung dati siguro, sobrang banas na ako sa’yo.

Kagabi, nagtext ka ulit. Libre ka ng Huwebes ng gabi sabi mo. Libre ako, tinanong kita kung anung plano. Sabi mo na lang wala ka pang plano, kaya sasabihin mo na lang sa akin bukas. Ok, hintay na lang ng text.

Magaalas-sais na ng hapon nang magtext ka. Binigay ang pangalan ng lugar at oras. Ginoogle ko ung lugar, pwede, kaya kong puntahan.

Late ako. Andun ka na nung dumating ako. Kain, usap. Sayang hindi ko napicturan ung kinain natin. Next time siguro. Usap pa ulit. Ang daldal mo lang. Feeling ko, ang daldal ko din. Palabiro ka, gusto ko nun. Nakakatuwa dahil ang dami ko pa ding gustong malaman tungkol sa’yo. At madami din akong gustong i-share sa’yo.:)

Dahil maaga pa ang pasok mo bukas, umalis na din tayo. Naglakad tayo sa parking lot. Nung nakatapat na tayo sa kotse ko, sabi mo eh hintay lang tapos pumunta ka sa kotse mo. Hindi ko alam kung bakit, wala din naman akong ideya.

May kinuha ka sa kotse mo, tsokolate, sabay inabot mo sa akin. Humabol ka sa valentines. Nakakatuwa dahil eto ung kinuwento mo sa akin na madami kang natanggap ng chocolates nung Valentines – galing sa mga estudyante mo. 

Ang cute lang. Nakakatuwa ka. Salamat sa isang masayang gabi. 🙂