0645

Madalas late akong gumigising kapag weekend. Mga 10am, sakto na yan. Pero ngayong araw, alas-singko pa lang, gising na ako. Pakiramdam ko nga hindi ako nakatulog ng maayos. Good luck sa akin neto.

Nilista ko ung mga kailangan kong gawin ngayon. Paulit-ulit na nirereplay sa utak ang dapat sequence ng mga dapat mangyari ngayon. Magpapagas, gym, grocery, cash back, hanap ng damit at mask para sa work party mamaya. Ganyan. Dapat sunud-sunod na ganyan. Kapag may nakalimutan ako, sorry na lang. Hindi pa nga nangyayari ang Sabado ko, pagod na ko.

May kausap ako kahapon. Sabi ko sa kanya, kapag masaya ako, ayokong i-share sa lahat. Gusto kong namnamin ang kasiyahan na nararamdaman ko. Kapag kasi shinare ko, baka maubos at walang matira sa akin. Kaya siguro mas madali akong makapagsulat kapag malungkot. Hindi dahil gusto kong i-share sa ibang tao para malungkot din sila pero para mawala na ung lungkot na nararamdaman ko. Parang ngayon. Kung gaano ako kasaya nitong mga nakaraang araw, isang iglap, parang ang lungkot ko na naman. Hmmm, hindi naman, parang normal lang pala. Walang nararamdaman.

Kaya din siguro gusto ko nang simulan ang araw ko, para hindi na ako magmukmok dito sa kwarto. Wala namang dahilan para magmukmok, basta, medyo umasa lang siguro ako. Bakit nga ba hindi pwedeng masaya lagi ano? May mangyayari’t mangyayari na ikalulungkot mo. Siguro para na din sa balance ng buhay, hindi naman parating Pasko kasi.

Sabi sa libro ni Demi Lovato,

When people don’t express themselves, they die one piece at a time.

Kaya pasalamat din siguro ako na may outlet ako kapag ganitong medyo di ako OK. Alam kong public itong blog ko at malamang kung sinu-sino ang makakabasa pero eto lang kasi ung release ko. Ewan, hindi na siguro ako matitigil sa pagboblog, hanggang sa tumanda na ako.

Isa pa yan, ready na ba akong tumanda? Ewan.

Hay buhay ng tao. Hehe.