tamad

Lunes na naman. Tinatamad na naman ako. Mukhang sakit ko na ata ito eh. Lunes at Biyernes, tinatamad akong magtrabaho tapos cram ng Martes hanggang Huwebes. Masama ito. Pero hindi naman lagi eh. May mga araw lang talaga na tinatamad ako. Haaaay.

Nameet ko nga pala ung nanay nya kanina. Hindi expected. Sa mall kasi kami kumain, kasama ung brother-in-law nya. Tas ayun, andun din ung nanay, haha. Meet the family na ito, lols. Kakatuwa lang, nakakatuwa ka. Pero hay, bakit ba kasi ang bata mo??? Bakit.

Hindi ka pa din nagtetext. Hmmm, anyare na kaya sa’yo? Binura ko na din ung number mo para di na ako magtext. Dalawang beses mo nang tinatanggihan ung invitation ko, medyo mahirap ang rejection kahit na hindi mo naman sinasadya. Interesado ka pa din kaya?

Ayun, isang oras na lang, uwian na. Gusto ko nang umuwi. Inaantok na ako. Haaaay, katamad talaga.