eh kasi naman Mimay

Oppa: hahaha. stop chasing…

Bat ba kasi ang hirap pagsabihan ng sarili ko? Alam ko naman na hindi tama pero wala, ginagawa ko pa din. It’s either, I don’t think things through or I overthink. Extremes pareho, wala man lang middle ground. Lagi na lang akong nawawalan ng pride. Lagi na lang ako ung nauuna. Kaya siguro hindi nakikita ng tao ung worth ko. Kasi alam nya na andito lang ako, naghihintay.

Nung highschool at college ako, may mantra ako eh. Sabihin mo ung nararamdaman mo bago pa huli ang lahat. So, ako parati ung nauunang umamin na may gusto ako sa isang tao. At hindi pa man uso ang term na friendzoned, eh alam ko na yan, kabisado ko na. Wala pa ata akong nagugustuhan na lalake (na naging kami) na ung lalake ang naunang magpakita ng pagkagusto. Laging kilig muna tapos mahuhuli na ako. Ganun parati eh. Sabi ko sa sarili ko, iba na dapat ngayon. 

Pero hindi pa din. Ako pa din ung nagmessage sa kanya. Eh kitang sya tong hindi nagpaparamdam ng halos dalawang linggo na. Hay Mimay. May mali talaga eh. Ako talaga ung naghahabol, pero walang humahabol sa akin. Kailangan ata eh palitan ko na ung mantra ko. 

Same shit, different guy. Kelan ako magsasawa?