Phoneless

Naiwan ko na naman ang telepono ko sa bahay.

Weird lang kasi parang ok lang sa akin na naiwan ko, na wala akong telepono buong araw. Kung tutuusin, pwedeng-pwede akong umuwi after kong maggym para lang kunin ung telepono ko pero meh. Hindi ko ginawa. Medyo nagpanic lang ako at ginising ko ang mga tao sa bahay dahil baka naman mamaya, hindi ko pala naiwan sa bahay at may kumuha na. Nakampante naman ako kagad nung sabihin ng kapatid ko na nasa bahay nga ang telepono ko at istorbo daw ako.

Kaya ko pa din naman palang mabuhay ng walang telepono eh. Wala din naman kasing magtetext sa akin habang nasa trabaho, well, maliban sa isang tao pero work from home sya ngayon so hindi sya magaaya maglunch. Malaman magagalit na naman sya dahil ang tagal kong magtext. Sabihin na lang natin na nagpapamiss lang din ako.

Akala ko magiging busy ngayon sa work dahil tatlong araw akong hindi nagtrabaho. Ok pa din naman, hindi pa naman ako sobrang stressed, sakto lang. 

Happy Lunes, simula na naman ng isang linggo.