how to recover deleted messages/contacts/emails?

Bigla ko syang naisip. Mga ilang buwan na din ung huli syang nagtext na hindi ako nagreply dahil sa pride na din. Dalawang beses ko syang inayang lumabas, magkasunod na araw pero hindi sya pwede. Ung una, gusto kong manood ng sine pero dahil malakas ang ulan, hindi daw sya pwede. Ung pangalawa, birthday ng kaibigan ko, inaya ko syang sumama sa amin pero pupunta naman sya sa Austin kinabukasan kaya hindi din sya pwede. Hay. After nung text nyang un, di na ako nagreply at binura ko na ung number nya. Hanggang ngayon, hindi pa din sya nagtetext.

Hindi nakatulong ang Google sa inquiry ko. Nahanap ko kung papaano marerecover ung naburang contacts pero within 30 days lang ang pwedeng nakuha. February pa nung binura ko ung number nya; lagpas na ng 30 days. Ganun din sa email at text messages. Ewan ko ba, gusto ko lang syang i-text ulit. Hindi ko din alam kung bakit di na sya nagparamdam after nung text nya. Baka iniisip nya na galit ako or something, ewan. O baka naman hindi lang talaga sya interesado sa akin. Malamang.

Kaya ngayon, kahit na sobrang asar ako, hindi na ako magbubura ng contacts sa phone. Napapadalas nga eh, sa loob lang ng dalawang linggo, dalawang numbers na ang nabubura ko sa contacts ko. Ganun na ata ako kung gusto kong makalimot. Bura kagad ng number para hindi na ma-tempt na magtext. Kalma lang Mimay. O pwede ko ding i-delete basta within 30 days eh pwede kong i-retrieve.

Hmmm, active pa din ung account nya sa Match, pero mukhang ung free na lang. Hindi na din naman ako magbabayad ng kung magkano isang buwan para lang makareceive ng emails.

Sayang. Ok pa naman sya. Oh well, nabura ko na eh. So hayaan na lang.