Much needed break.

Well I guess I can blog about this now. Last Wednesday, nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Wala akong sakit, pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Tiningnan ko ang phone ko, may unread messages ako. Naalala ko na kung anung nangyari.

Hindi ko na maalala kung anong tumakbo sa isip ko, basta ayokong pumasok at ayoko ding magstay sa bahay. Parang highschool lang, sabihin na lang natin na hindi ako pumasok sa trabaho that day.

Nagsimba ako. Una, dahil sobrang naguilty ako sa ginawa ko. Pangalawa, I feel lost. Isang oras kong kinausap si Papa God, nagsorry at nagpasalamat sa lahat ng blessings na nakukuha ko kahit na may mga bagay akong ginagawa pero hindi dapat. Minsan, feeling ko, hindi ko deserve eh. Kaya super thankful talaga ako. Humingi din ako ng guidance para gawin ang dapat. Hindi ako humingi ng sign, basta sya na ang bahala sa buhay ko. Kung ano man ang mangyari, tatangapin ko.

Matapos magsimba, nagbookstore ako. Tumambay saglit habang kausap ang mga kaibigan ko sa BBM. Dun ko na sinabi sa kanila ang nangyayari sa akin. Hay, kung kasama ko lang sila, eh di mas ok sana. Saktong paalis ako ng bookstore, may nakita akong spa. Yup, nagpaspa na din ako. Sobrang pamper lang sa sarili, hehe. Nakatulog pa nga ata ako.

Naglunch ako kasama ung isa kong kaibigan. Refreshing sa pakiramdam ung makausap ung kaibigan mo na matagal mo na ding hindi nakikita. Ayun, naglabasan kami ng sama ng loob. Sarap sa pakiramdam.

Bago matapos ang “work day” ko, tumambay pa ako sa B&N at pagtapos ay nanood ng sine magisa. The Lunchbox. Love story. Maganda. Ang connection sa dalawang tao, walang pinipiling medium yan. Kahit na internet lang kayo nagkakilala, pwedeng totoo ang connection nyo in real life. I can prove that. Pero un nga, it takes a lot of work. Kailangang dalawa kayong may gusto. Dapat pareho kayo ng direction na gustong puntahan. And you can find love in places you least expect it.

All in all, naging ok ang personal day ko. Nakalimutan ko ng onti kung bakit ako malungkot. I mean, hanggang ngayon medyo may times pa din na nalulungkot ako, pero I am allowing myself to feel it. Parang kasi naging bato na ako. Ni hindi ako makapagsulat.

I think we all need a break from everything that’s going on in our lives. I don’t see this as being selfish or irresponsible – believe me, I got my karma when I got back the office the next day. -_-“ Pero ung time lang na pwede mong gawin ung gusto mo para magrelax. We have to make time for ourselves. Hopefully, wala nang next time ito. Or kung meron man, sana may magandang movie ulit na palabas. 🙂

Ako ay iyakin.

This is why I miss my friends back home. They know me a little too well. When I say something, they contradicts it and says “Ikaw pa.” Ako pa nga. Hay. I don’t have to explain myself, they just get me.

Sigh. Well, I’ll get to see them next month. So excited!!