edit. iniba ko ung title.

Holy crap. Hindi ko alam kung ano ang isasagot dyan. Never pa akong nakipagdate sa tao na hindi ko pa jowa. Saka date bang matatawag ung unang beses nyong pagkikita? Ok fine, magkausap kayo sa text araw-araw pero hindi naman kayo eh. So date na ba kagad un? Wala na talaga akong alam sa kung paano ba o ano ba ang dapat itawag sa kung ano man ang gagawin ko sa Sabado.

Saka date ba ung coffee? Coffee date, I guess matatawag ngang date un. So ibig sabihin, sya ang magbabayad. Eh pano kung gusto kong gamitin ung Starbucks card ko? So hindi na date un?

edit again.

Safe na sagot tingin ko. Pumayag naman sya, at naset na ang lakad namin sa Sabado. Holy shiizzzz. Bakit hindi ako kinakabahan? Parang PRO lng sa pakikipagmeet Mimay.

Maybe this is why I’m single. Wala pa ngang nangyayari, nagooveranalyze na ako. Haha.