super thank you Papa God

Hay, sobrang salamat talaga Papa God, kasi hindi mo ako pinapabayaan. Biruin mo, nagkasya ung pagiipon ko para may pangpocket money ako sa paguwi ko ng Pinas at pagpunta ng Japan? Hindi ko ito inaasahan. Tamang sakto lang na sweldo ngayon, kaya makakapagwithdraw na ako ng pera sa weekend. Salamat talaga!! Hay. πŸ™‚ Ang saya lang.

Oh diba, 2 weeks na lang eh bakasyon ko na pero hindi pa din ako sigurado kung makakaipon ako ng pera, haha. Pero katulad nga ng sabi ng nanay ko, ibibigay sa’yo kung ano ang dapat at sa tamang panahon. Un nga ang nangyari. Walang labis, walang kulang.

Hay, excited na ako sa bakasyon. Isa pa un na pinapasalamat ko ngayon pa lang. Sa wakas, makakapunta ako ng Japan. Oh my. Ni sa panaginip hindi ko aakalain na magkakatotoo ito. πŸ™‚

Masaya ang buhay Mimay. Kailangan ko lang i-appreciate lahat ng nangyayari at hindi lang ung ang nakikita ko eh ung malulungkot na bagay. πŸ™‚