backread

Wala akong magawa kaya naisipan kong magbackread sa wordpress blog ko. September 2011 ung huling entry ko dun. Syempre, tungkol sa kanya ung last entry ko. Sinubukan kong basahin lahat ng entries, pero tumigil na ako sa Page 4. Grabe lang. Hindi ko alam kung anung nangyari, hindi ko alam na 3 years in the future pala eh hindi na kami. Ung mga entries ko dun, parang pakiramdam ko sya na talaga, kami na ang para sa isa’t-isa. Pero sinong magaakala na magigising na lang kami isang araw, iba na ang gusto namin. Hindi na parte ng buhay at plano ang isa’t-isa. Ang walang hanggan ay natapos na lang. Ang mga pangako ay hindi na matutupad. 

Aminado ako na nalungkot ako pero ganun talaga ang buhay diba? Hindi lahat ng gusto mo eh makukuha mo. Hindi lahat ng taong makikilala mo eh mananatiling parte ng buhay mo. Minsan, dumadaan lang sila at saglit na magpapaligaya sa’yo.

Tumigil na ako sa pagba-backread dahil ayoko nang maalala ang mga pangako, ang mga plano. Ayokong matulad sa character ni Toni Gonzaga sa Starting Over Again, masyadong umasa mga pangako ng nakaraan. Hindi healthy eh. Nangyayari ang mga bagay dahil may mga rason at ginusto natin ito. Ginusto kong makipaghiwalay sa’yo dahil hindi na din tama ang magstay sa isang relasyon na hindi naman din magwo-work. Kahit na anung pilit pa.

Tatlong taon na din ang nakalipas. Naalala ko tuloy ung kantang “I Remember the Boy”. Pero sa kaso nya, naaalala ko pa din ung pakiramdam na magmahal. Sobra ung pagmamahal ko noon; todo bigay eh. Gusto ko na maramdaman ulit un ngayon. In time, darating din siguro un.