i’m back from outer space

Hello hello.

Well, mukha namang hindi ako nawala dahil panay pa din ang updates ko dito sa blog, salamat sa IG account ko. Ayun, so, natapos ang tatlong linggong bakasyon at heto na naman ako, balik trabaho. Medyo may jetlag pa pero ayos din naman. Nagawa ko naman ung mga tasks na na-assign sa akin. Heto nga, ready na akong umuwi, haha. Inaantok na ako eh. Kelan ba mawawala tong jetlag kasi?

Ang saya ng bakasyon. Pinas tapos Japan. This is the life. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Papa God kasi natuloy ung bakasyon ko. Hay, saya. Kung pwede lang magbakasyon buwan-buwan. Kung may pera at oras lang ako. Pero un, pasalamat na din na nagagawa kong magtravel taon-taon. πŸ™‚Β 

Back to reality na. Pero madami akong natutunan nung bakasyon ko. Natutunan kong i-appreciate ang kung anung meron ako ngayon. Sobrang swerte ko na andito ako sa Amerika, gusto ko ang trabaho ko at nakakapagtravel. Dugo’t pawis naman kasi ang ginugol ko para maabot ang kung ano ang meron ako ngayon. Kaya naman, hindi na ako masyadong magrereklamo. Well, alam kong malabong mangyari un, pero pipilitin ko na makuntento sa kung ano ang meron ako at kung ano ang ibibigay pa.

Pipilitin ko nang hindi masyadong mabadtrip sa mga tao sa paligid ko. Tamang wala lang pakialam dapat. Wag masyadong magdamdam o madrama. Hindi ito nakakabuti e. Ako lang din ang mahihirapan. Basta, enjoyin ang buhay.

Ayun, hindi na din ako masyadong magpapaapekto sa mga makikita ko online. Ang saya din pala nung walang internet. Mas nae-enjoy ko ung moment. Wala naman kasi akong internet nung nasa Pinas at Japan. Mas naa-appreciate ko ung mga nangyayari sa akin. At hindi ko pa nararamdaman na nakikipagkumpitensya ako sa mga nababasa ko sa News Feed ko. Disconnect kumbaga.

Nalaman ko din na dito na talaga sa Amerika ang buhay ko. Andito na ang pamilya ko, mga kaibigan. Ewan, feeling ko kasi wala na talaga akong babalikan sa Pinas. Masaya na din ako dito. πŸ™‚

So yun. I’m back. πŸ™‚