chubby

Medyo madami din ang nakapansin sa buhok ko ngayon. Ang pula daw. Sabi ko naman, niretouch kasi nung isang linggo. Sa wakas, nakamit ko din ung gusto kong kulay ng buhok.

So kamusta naman ang Lunes nyo? Ako, ayus lang naman. Madami akong gustong ikwento pero hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Hmmm, try ko and bullet points, baka makatulong.

  • Nung Friday, natapos kong basahin ung The Fault In Our Stars. Hindi ako naiyak sa libro, siguro kasi alam ko na ung magiging ending, alam ko nang may mamamatay kaya di na ako nagulat. Minadali ko din ang pagbabasa dahil gusto kong mapanood ung movie. Siguro isa rin un sa reason kung bat hindi ako naiyak, kasi gusto ko nang matapos basahin ung libro. Para makamove on na ako.
  • Same day, Biyernes, napanood ko ung The Fault In Our Stars. Naglong break ako nung lunch. Sobrang wala naman kasi talagang gagawin sa work, kaya ayun, nanood ako ng sine. Hindi din ako naiyak sa pelikula. May inner battle nga lang dahil sa tuwing may mangyayari sa movie, may inner voice talaga na nagsasabi na “Hindi naman yan ung sa book”. Mga ilang beses din yan. Ok naman ung movie, sakto lang.
  • Sana pala Blended na lang ang pinanood ko.
  • Nanalo Spurs, tinext kita pero walang sagot. Tas ngayon, sasabihin mo sa akin na masyado ka lang madaming iniisip at hindi ako ung dahilan kung bakit hindi ka nagpaparamdam.
  • Mga lalake talaga kahit kailangan.
  • Natuwa ako sa How To Train Your Dragon 2.
  • Lumabas ako last Saturday. Medyo napadami ang inom pero masaya naman. No alcohol na muna ulit.
  • Wala ulit ginagawa ngayon sa work, kung pwede lang magpaalam ulit para makapanood ng sine. Pero abuso na un.
  • I am looking forward to going to LA this October. Hello Kitty Con. yaaaaay!

Ayan. Malamang may nakalimutan pa ako, pero meh, next time na lang ulit.