Mahahanap mo din ang para sa’yo

Minsan, ayoko kapag kinakamusta ako ng mga kaibigan ko. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun – “kamusta, may boyfriend ka na ba?" 

Well, wala naman akong boyfriend ngayon, may dinedate lang. Ganito sa America eh, "We are dating” ang peg. So hindi pa kami, nagdedate pa lang. Tas sa tuwing ganito ang isasagot ko sa mga kaibigan ko, may panghihinayang at itatanong nila sa akin, “Bakit hindi pa kayo?” Eh hindi pa eh. Hindi ko alam, kasi hindi pa kami? Tas magkukwento ako kung bakit posibleng hindi pa sya ung para sa akin. Tapos un na, sasabihin na nila ang magic words – “Mahahanap mo din ang para sa’yo”. Pwede ba. Hindi ko kailangan ng awa. Ganun kasi ang dating sa akin. Tapos sasagot ako, “Yeah, I know. OK pa naman ako, hindi pa naghahanap”. Tatawanan lang ako. Tas madalas, hindi ko na alam ang isasagot kaya di na ako magrereply. Magmemessage na lang ulit sila, isa o dalawang linggo ang makalipas para humingi ng update. Un ulit ang isasagot ko. Cycle lang.

Alam ko naman na mahahanap ko din ang para sa akin. Hopeful pa naman ako eh. At syempre, gusto ko ding mahanap ung The One diba? Pero ewan, parang sobrang kailangan ko na bang maghanap ng jowa? Kasi magte-trenta na ako? Madami pa akong plano sa buhay – madami pang travels. Kaya ewan, kaya siguro hindi masyadong priority sa ngayon.

May dinedate ako, oo. Ok ung attention, pero hindi pa din ako sanay. Hindi ko pa din matansya kung tama ba ung ginagawa ko o hindi. Madami pa akong dapat matutunan tungkol sa sarili ko. Pero mukhang kung magseseryoso, posibleng sya na. Pero un nga, hindi din natin sigurado kung ano ang pwedeng mangyari.

Kaya minsan, gusto kong i-off ung Facebook Messenger ko eh. I know my friends are genuinely asking how I’m doing, and I’m prolly taking this the wrong way but the heck, this is how I’m reading their messages. I am doing fine. Malungkot, oo. Pero masaya naman ako kadalasan. 

Hay. Kelan ba kasi darating ung para sa akin? Pati tuloy ako naiinip na eh, lols.