Panay IG posts

Panay IG posts na naman ang laman nitong blog ko. Alam na kapag tinatamad akong magkwento, daanin na lang sa mga litrato.

Anyways, andito ako sa trabaho ngayon. Tatlong araw nang petiks. Ayos lang naman, free time. Ano pa bang irereklamo ko diba? Wala na, un lang, sobrang bagal ng oras. Mas gugustuhin ko pang magpakabusy kesa sa hindi ko malaman ang gagawin.

May narealize ako nitong mga nakaraang araw. Hindi pa din nawawala ang pagkainsecure ko sa katawan. Bakit Mimay? Ano pa ba ang dapat kong ipagalala diba? Ewan. Hindi ko alam. Masaya ako, sobra. Pero may mga sandali talaga na napapatanong ako kung ano na nga ba talaga ang mangyayari. Sya na ba? Kami na ba talaga para sa isa’t-isa? Masyado akong nagwoworry sa mga bagay na hindi naman dapat. Leche. 

Dapat talaga may ginagawa ako. Para hindi ako paranoid o kung anu-ano ang iniisip. Dapat may project. Dapat may gawin. Hay. Buhay nga naman ng tao. Tayo lang ang gumagawa ng problema eh. Hindi naman dapat.