kailangan ko lang magblog

Anakngtinapa. Anung oras pa lang nagpapanic na ako. Kalma Mimay. Kalma. Feeling ko hindi ako makakapagconcentrate sa trabaho ngayon. Mabuti na din na wala akong issues na kailangang i-fix. Well, actually, mas ok pa nga ata na busy ako sa trabaho para hindi ako nagpapanic ngayon. Ang gulo. Malabo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Haaaaaay.

Mamimeet ko family nya mamaya. Gusto ko nung mga ganitong biglaang plano. Not. Kahapon lang sinabi sa akin na isasama pala ako sa rehearsal wedding. I know pwede akong tumanggi, pero bakit ako tatanggi. Hay Mimay. This is it.

Magaalas-dyes pa lang ng umaga, hindi na ako mapakali. 7:30pm pa ung rehearsal. Isang buong araw akong ganito? Waaaaa. Kalma. Kalma.

“Are you ready?” Medyo. Ready naman na ako. Sana lang magustuhan nila ako. 🙂

Hay. Ang saya ko. Pinapasaya nya ako. Tas eto pa, meet the parents na. Sana ito na. Sana sya na. 🙂