security > kilig

Baka nga yan yong kailangan mo rin, yong di kiligin pero secure.

Leave it to my friend to say exactly what I am feeling. At eto ung kaibigan ko na hindi ko masyadong nakakausap pero kapag nakausap ko naman, parang syet, everything makes sense in the world again. I am so lucky to have a friend like him. 

Katulad na lang nung sinabi nyang yan. Yan ang nararamdaman ko sa current relationship ko. Chill lang. Masaya ako pero hindi ung OA sa pagkasaya na sobrang sa boylet ko na umiikot ung mundo ko. Ganun pa din ang buhay ko – work, family, friends, dumagdag lang sya. And I like it this way. No drama, straight to the point. May kilig pa din syempre, I love being with him. Pero I know na I still have my own life and dreams. Hindi na sya katulad nung mga naging relatioship ko na punung-puno ako ng insecurities sa katawan. Na I have to prove something. Na dapat may reason para they will stay with me. This time, it is different. I don’t have to prove anything to him. I feel the love and care – I feel the companionship. Yep, kahit malayo at bibihira kaming magtext.

I can say na naging mature na ako. I let him do his own thing while I do mine. This way, we both grow and share a lot of things together. I do feel more secure with him. We were on the same page since the beginning. We both know what we want out of this relationship which I really like. 🙂 

Hay. I can go on and on on how he makes me feel. Pero minsan, mas ok pang hindi masyadong shineshare ang kasiyahan, para mas nafefeel ko. Selfish lang. Haha.

Security > kilig. I understand this now. Whatever happens, happens. Kung kayo talaga, magiging kayo in the end. Well, of course, gusto ko sya na. Sana. Sana. Mukhang doable naman. ^_^