2015

Hindi na nga ako nakagawa ng 2014 year end post, so heto ako ngayon, susubok na magsulat tungkol sa 2015. 

Panibagong taon. Pero sa totoo lang, hindi ko masyadong ramdam ang pagbabago ng taon. Maliban sa bagong planner at ang year ay nabago, ganun pa din ang pakiramdam ko. Nung New Year’s Eve nga, hindi ako masyadong excited, tinulugan ko lang.

Ano nga ba ang plano ko ngayong taon? Hindi ko din alam. Siguro ung mga plano ko lang din nung nakaraang taon – magandang trabaho, maayos na lovelife, ok na pamilya. Ung pagpapapayat nga hindi ko masyadong priority, hehe. Eh kasi alam ko naman na hindi matutupad un ngayong taon. Pero kung makakapagpapayat ako, eh di ayos. 

Wala akong iba pang hiling ngayong taon kundi ang magtuluy-tuloy lang ang magagandang nangyayari sa buhay ko. Sa kahit na saang aspeto. Ahhh, siguro un ang babaguhin ko, dadagdagan ko pa ung pakikipagusap kay Papa God. Hindi ako masyadong religious na tao – nagsisimba ako tuwing Linggo pero feeling ko hindi pa din sapat un. Saka bawasan ang pagiging apektado sa mga nangyayari online. Nasimulan ko na pareho nitong bago matapos ang 2014, so itutuloy ko lang din. 

Madaming pwedeng mangyari ngayong taon. Excited na nga ako. May mga pagbabagong mangyayari pero syempre, wala pang magagawa sa ngayon kundi ang magdasal. Na sana matupad ang mga plano. Isa pala un sa natutunan ko last year, ung maging mahaba ang pasensya. Dahil darating ang dapat dumating sa tamang oras, kapag handa ka na. Medyo mahirap pero wala namang magagawa ang pagsstress sa isang bagay. Maaring may gusto kang gawin o isang bagay pero may iba palang plano para sa’yo si Papa God. Natutunan ko na magtiwala sa kanya. Ganun ang magiging outlook ko for 2015. Magenjoy lang sa buhay, gawin ang dapat gawin at magtiwala. 🙂

Kung tutuusin, napakaganda na ng kinatatayuan ko ngayon kumpara sa kung nasaan ako noong nakaraang taon. Kaya willing akong maghintay sa kung ano pa ang darating sa buhay ko.

Happy 2015 sa ating lahat! Sana maging ok at masaya ang 2015. 🙂