Salamin

Napatingin ako sa salamin kanina. Pinilit tanungin ang sarili kung ano nga ba ang gusto ko. Pero wala akong nakuhang sagot, hindi ko alam kung ano ang sagot. Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig ang isasagot ng nasa salamin.

Ako ung tipo ng tao na kapag may plano na, un na. Wala nang mababago. Hindi pwedeng mabago. Hindi ako makatanggap ng pagbabago. Change, ayoko nun. Hindi ko kaya ung madaming pagbabago. Hindi ko kaya ung “We’ll see what happens. Let’s play by ear.” Nagpapanic na ako nyan, nalulungkot.

Pero ganyan na ang buhay ko ngayon. Hindi na makapagplano ng long term dahil dumedepende na ang mga desisyon ko sa buhay sa ibang tao. Depende kung saan sya mapupunta. Depende kung uulan sa Sabado. Depende sa akin, kung ano ang gusto ko. Pero un nga eh. Hindi naman din nasusunod ang gusto ko. Dahil kung ano ung maging desisyon nya, un na din ang desisyon ko. Un na ang mangyayari. Mali ba?

Mukhang alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.

Ayoko nang tanungin ung tao sa salamin.