Just for the time being

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buong linggo na itong report na ginagawa ko. Lagi na lang may bagong requirement na kailangang idagdag, walang katapusang code change at araw-araw na meetings. Hindi ko na kayang magtrabaho pa pero sa kabilang banda, gusto ko naman itong busy ako sa trabaho, challenging. Rewarding din sa pakiramdam lalo na kapag nasosolve ko ung gusting mangyari nung client. Pero grabe, pagod na ako. -_______-“

May interview ako nung isang araw. Isang oras na phone interview. Yup, job hunt ulit dahil lilipat ako ng ibang city. Married life na e. Gusto kong matanggap ako dun sa trabaho. Mukhang ok na ok e. Sa sobrang kagustuhan ko, ayun, tinawagan ko ung naginterview sa akin. Nagiwan ako ng voicemail, nagsabi na Thank you sa oras, blahblahblah. Kaso, mali ung timing, nablanko ako. Hindi ko alam kung ano pa ba ung ibang nasabi ko. Halata na kabado ung boses ko. Leche. Napasama pa ata ung pagfollow up call ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong batukan ung sarili ko. Dapat sinulat ko ung mga dapat kong sabihin. Pero hindi ko ginawa. Hay.

Hay.

Nagreply naman ung manager, inemail nya ako para sabihin na natanggap nya ung kind voice mail ko. Hindi na din siguro masama.

Pero ewan.

Dala na din siguro ng stress dito sa trabaho, tapos job hunt tapos idagdag pa ung mga ibang changes na mangyayari sa mga susunod na buwan. Overwhelming. Up until now ok naman ako eh. Kinakabahan ako ngayon. Paano kung hindi ako makakuha ng trabaho agad? Napapagod na ako pero kasama naman nga yan sa buhay. Gusto ko na lang matulog ng mahaba.

Hay.

Pwede bang matulog na lang?