Isang buwan

Napakasurreal Papa God. Isang buwan na lang ikakasal na ko. Dahil sa sobrang busy ng buhay ko ngayon – paghahanap ng trabaho, pagko-concentrate sa current ng trabaho at wedding planning, ngayon ko lang ata naisip na soimai, IKAKASAL NA AKO. Ngayon pa lang nagsisink in na sa susunod na buwan, hindi na ako magiging forever alone. Hindi na ako magdedesisyon na para sa sarili ko lang. Lagi na akong may kayakap, may kakwentuhan, kasama sa gala, manood ng sine at kung anu-ano pa.

Alam kong hindi madali ang buhay may asawa. Ang dami nang nagsabi sa akin na wala pa ung stress na nararamdaman ko sa pagpaplano ng kasal, magsisimula pa lang ang lahat. Pero grabe, ngayon lang ata ako nakaramdam ng kasiyahan na normal lang ako. Ang labo ba? Teka, try ko i-explain.

Saktong happiness, posible pala un. Ung steady lang, minsan may problema pero hindi natatapos ang araw na hindi yun nasosolusyunan. Tas back to normal ang buhay, text, tawag. Kasama na un sa routine. Parang hindi mo na kailangan na may mangyaring kakaiba para maging special ung araw dahil nagiging special na un dahil sa taong mahal mo. Ganun, ganun ung feeling.

Excited na akong magpakasal. Excited na ako sa forever. Dahil sa susunod na buwan, wala nang past nababalikan. Wala nang heartache, wala nang drama. Sa susunod na buwan, future na ang iintayin. Future ko ang nasa harap ko. Hay, ang sarap sa pakiramdam.