Antok

Inaantok na ko. Grabe, hindi ko ata kakayanin ung buong araw lang na meetings. Ung buong araw na makikinig ka lang sa mga tao. Nakakaantok un. Pero eto na ang trabaho ko ngayon, kaya kailangan nang masanay. Kailangan ko nang magadjust.

Gusto ko nang umuwi para makita ang asawa ko. Wala syang pasok buong linggo dahil Thanksgiving break. Buti pa sya. Ayoko na ding pumasok. Pero kailangan. DI bale, off naman ako ng apat na araw simula sa Huwebes, di na masama.

Isa’t kalahating oras pa. Tapos ko na ung task ko. Hanggang Wednesday ko pa un task pero natapos ko na ngayon. Ano na ang gagawin ko sa mga susunod na araw. Meetings galore na naman.

Ngayon pa lang, inaantok na ako.