Ang saya ng puso ko

Nung isang araw pa ako nagiisip ng kung ano ang ipopost ko para sa Thanksgiving. Gusto kong ipost sa social media kung gaano ako nagpapasalamat sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero wala akong maisip. With matching picture pa nga kasama si Robert pero wala pa din. Hindi ko mailagay sa salita kung gaano ako kasaya at nagpapasalamat. 

Sobrang saya ng puso ko ngayon. Lahat ng aspeto ng buhay ko, ok. Trabaho, pamilya, relasyon. Wala akong mairereklamo. Wala na akong hihilingin pa. Kaya naman umaapaw ang pasasalamat ko. Medyo matagal-tagal din bago ko naramdaman ang ganitong saya. Ung kasiyahan na feeling ko wala nang katapusan. Alam ko na magkakaroon din naman ng pagsubok ang buhay pero alam ko na kakayanin ko at hindi naman na ako magisa.

Nagthanksgiving ako kasama ang pamilya ni Robert kahapon. Ngayon naman, pinuntahan namin ang pamilya ko. Nawala ang pagod ko dahil sa saya na naramdaman ko dahil nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Sobrang big deal talaga na ok kami sa mga pamilya namin. Napakadali ng buhay. Hay. Ang saya.

Wala na akong mahihiling pa sa ngayon. Sana lang magtuluy-tuloy ito. 🙂