Back to work!

Lunes.

Back to work after ng 4-day weekend. Tamad-tamaran pa ng onti, buti na lang, wala pang masyadong task. Meeting lang nung umaga. Meeting din mamayang hapon. Oh yeah, meetings galore!

It’s official – wala na akong social life. Not that I can or anything, wala lang, wala na ulit akong friends na nakakasama. Ok lang naman dahil si Robert naman lagi kasama ko. Tas ung mga katrabaho ko, panay may pamilya na. Hindi katulad sa ACN na panay single kaya madaling magkayayaan na lumabas. New city din, kaya wala pa akong kilala masyado. Pamilya lang ni Robert ang nakakasama ko palagi. Salamat na lang talaga sa social media, at least nakakausap ko friends ko sa Pinas at sa ibang lugar pati na din pamilya ko. Ok na din sa ganun sa ngayon. 

Ayuuuun. 

Wala akong magawa.

Siguro kasi nitong nakaraang mga buwan, naging sobrang busy dahil sa pagpaplano ng kasal. Ngayong, tapos na, wala na tuloy akong kailangang gawin. Enjoyin ko na lang ung break na ito. 3 weeks na lang, bakasyon ko na ulit. Pasko na, tapos 2016 na. OMG. Ambilis ng panahon.

Isang meeting na lang, uwian na. Yay.