Video

Ung time na may wedding message video si Ebe Dancel

Kung kaibigan kita, alam mo na mahal na mahal ko si Ebe Dancel. Sugarfree days pa lang, gusto ko na silang mapanood ng live. Meron ako ng lahat ng CD, napanood ko lahat ng music videos at halos karamihan ng mga blogposts ko dati e mga kanta nila ang nagging inspirasyon ko. Kaya naman sobrang nalungkol ako nung nalaman ko na mawawala na ang Sugarfree. Buti na lang hindi tumigil sa pagtugtog si Ebe.

May 2014, last day ko sa Pinas, birthday ni Ebe, sa wakas, napanood ko sya ng live. Haaaaay, speechless. As in. Sobrang saya ko nung araw na un. Wala akong pakialam kung flight ko kinabukasan, walang tulugan ang nangyari, basta nakita ko sya. Buti na lang din na may kaibigan ako na nahagilap kong sumama sa akin last minute. Best Day Ever.

Pero eto e. Sinorpresa ako ng kaibigan ko nung kasal ko. May pavideo greeting pang nalalaman. Alam mo ung perpekto na ung wedding, pero idagdag mo pa ito, haaaaaaay. Wala na akong masabi. At eto lang ha. Natuwa ako sa pagbigkas nya ng pangalan ko. Haha. #fangirl

Salamat sa kaibigan ko sa napakaespesyal na regalong ito. At kay Ebe, salamat din! πŸ™‚

2 thoughts on “Ung time na may wedding message video si Ebe Dancel

Comments are closed.