13:08

So hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ba ang dapat kong ginagawa. Magiisang buwan na akong andito pero wala pa din akong specific task. Ok lang din siguro ung ganito, pero inaantok ako palagi. Katulad ngayon. Pero at least may oras ako para magblog dito,

I miss programming – I can’t believe I am saying that. Lahat naman ata ng bagay na hindi mo na ginagawa, nakakamiss. Kahit ung pagkastress, namimiss ko. Hindi na masyadong technical itong position ko ngayon, at sa tuwing may meetings, kailangan kong ipaalala sa sarili ko na hindi na ako nagco-code. Mas dapat nagfofocus ako sa business side. Oh well, magbabago din lahat.

Nagdownload ako ng app, Neko Atsume. Pucha, naadik ako, hahaha. Napakasimple lang ng objective nung game – may yard, tapos maglalagay ka ng pagkain saka mga laruan para sa mga pusa, tas un, iintayin mo lang na may magpunta na pusa. Hahahaha. Pinakita ko kay Robert ung game, medyo tinawanan nya ako, haha. Oh well. 😛

Inaantok pa din akoooo. Naghihintay na lang ako ng reply sa email. Hay. Gusto ko nang umuwi.