Prom

I am a huge Sugarfree fan. Mga ilang beses ko na ding sinabi yan dito sa blog ko. Kaya naman sobrang nalungkot ako nung nalaman ko na magdidisband na sila. Paanong mawawala na ang banda na minahal ko? Hindi ito maaari. Pero nangyari na ang dapat mangyari – so kailangan ko na ding magmove on.

Natuwa ako nung nalaman ko na magsosolo na si Ebe. Natuwa ako dahil patuloy pa din ang musika. Inabangan ko ang unang album ni Ebe at lalo akong naging panatiko. Naging madalas din ung mga online shows nya na naging active din ako. Nakakatuwa lang na kahit nasa ibang bansa ako, pwede pa ding maging part ng audience nya.

After ng 1st album nya, medyo matagal bago ito nasundan. Pero it was worth the wait. Kahapon ko pinakinggan ng buo ung album nya. Maliban sa Bawat Daan, may isa pa akong nagustuhang kanta nya – Prom and this time, kaduet na nya si Yeng Constantino. EBE DANCEL AT YENG CONSTANTINO SA IISANG KANTA. OMG, buhay na buhay ang pagkafan girl ko.

Isa akong Sugarfree/Ebe Dancel fan at isa din akong Yeng Constantino fan. OMG. PDA days pa lang follower na nya ako. I kid you not, naiyak ako nung nanalo syang Grand Champion at mula noon, nakiiyak at sinubay-bayan ko na sya. I was lucky enough na mameet sya ng personal nung umuwi ako sa Pinas last 2013. Dumating ako ng Pinas the night before, pero that didn’t stop  me to go to her mall show the next day. Thanks to 2 of my good friends, nakipila kami just to meet her. Hay.

image

I also met Ebe Dancel in person. Eto ung birthday show nya sa Conspiracy Bar. Ang kwento naman nito e, last mimute, naaya ko ung good friend ko to go with me. Almost 3am na ako nakauwi ng bahay, tapos may flight ako papuntang Japan that morning.

image

Too bad, I didn’t get to go to their concert – bakit kasi ang layo ng Amerika sa Pinas?

Ultimate fan ang peg ko kaya naman super natuwa ako dahil may duet silang dalawa sa album ni Ebe. As in super tuwa. Mga ilang beses kong pinaulit-ulit ung kanta at mas nagustuhan ko ung version nilang ito kesa sa original. Bakit? Dahil sa linya na ito – 

Mahal, tanging ikaw, ang nais kong kasayaw.

Wala yan sa original na version. Para sa akin, mas romantic ung version nina Ebe at Yeng. Mas nakakakilig – don’t get me wrong though, kinilig na ako sa kantang Prom pero pwede pa pala akong kiligin ulit. Siguro dahil mas nakarelate din ako sa bagon version. Matagal-tagal din akong naghintay sa taong makakasayaw ko at ituturing kong dance partner for life kaya naman sobrang natamaan ako dun sa linya sa itaas. Kung nakakaintindi lang sya ng Tagalog, kakantahan ko sya nyan e, hehe.

Overall, super natuwa ako sa album ni Ebe – another thing – ung Makita Kang Muli – OMG, hongondo din nun, super ganda ng duet nila ni Regine V. Tas ung Huwag Ka Nang Umiyak – ayokong pakinggan, naiiyak lang ako, hahaha.