Welcome back to WP!

Wala pang ilang oras, naset up ko na itong WordPress blog ko, nailipat ang domain at habang ginagawa ko itong entry ko, nagttransfer na lahat ng Tumblr posts ko dito sa WordPress blog. May lumang WP blog din ako na I decided na ilagay na din dito, parang isang blog na lang.  All this, para lang ano? Eh hindi pa din naman ako magboblog ng madalas, haha.

Nung nasa Tumblr pa ako, panay Instagram posts lang ang laman nito. Napakadali lang kasi na magpost ng picture sa IG tapos diretso na sa Twitter, Tumblr at Facebook. Convenient. Wala nang isip-isip pa, post kaagad. Gusto kong bumalik sa pagboblog, ung tipong mahabang post na pinagisipan ko. Ung kaya kong magkwento tungkol sa nararamdaman ko na hindi kailangan ng picture o video. Salita lang, pwede na. Magpost man ako ng litrato o video, parang supporting document lang.

Namimiss ko ung dati — ung as in super dali lang magblog. Na lagi akong may update. Laging may kwento. Kahit na tungkol pa saan yan, laging alam ko kung paano isusulat. Pero un nga, after how many years, medyo tinamad na akong magkwento. Hindi na madalas ang pagpopost. Ang dami na din kasing nangyari sa buhay ko na minsan hindi ko alam kung tama pa bang i-share lahat dito.

Ayun. Nagbasa-basa din ako ng mga luma kong posts. Inimport ko din kasi dito ung mga posts ko from 2009 until 2011 siguro un. Medyo nawala ung pagkainggit ko masyado, hehe. Ang lulungkot ng posts ko noon, blog ko ang naging way ko para makausap ang ibang bloggers na naging kaibigan ko din naman. Nabuhay ako sa mundo ng intrawebs, at dito din umikot ang mundo ko. Ngayon, iba na ang buhay ko. Mas madalas na akong offline at mas naeenjoy ko na ang buhay. Bihira na akong magonline lalo na kapag kasama ko ang asawa ko. Ngayon ko narealize na ibang-iba na talaga ang Karmi noon sa ngayon. At may mga experiences na kahit anung pilit kong ilagay sa salita ay hindi talaga kaya. Hindi mabibigyan ng justice.

Anyways, ayun nga, hello ulit WordPress, medyo namiss kita. Kung malulungkot ang posts ko noon, iibahin ko naman na ngayon. Sana hindi ako tamarin! 🙂

2 thoughts on “Welcome back to WP!

Comments are closed.