Lunchbag

R: I got a red one and a blue one. Which one do you like?

M: I’ll take the blue one.

Paguwi nya ng bahay, mas gusto pala nya nung blue, so red ang napunta sa akin.

Officially, may lunchbag na ako. Ngayon lang ako nagkalunchbag na dahil kailangan ko. Hindi na lang sya ung impulse buy na “Uy cute ng kulay” o kaya “Uy Hello Kitty”. It is more of a need dahil nagbabaon na ako ng lunch araw-araw. Yup, nagbabaon na ako. Sa tagal ko nang nagtatrabaho (since 2005), never akong nagbaon. Lagi akong kumakain sa labas, laging sa fastfood o kung saan mang restaurant. Never akong naging part ng “Baon Gang” sa office dahil lunch lang ung time ko para makabonding ung mga katrabaho ko at makaalis ng opisina. Ganyan ako for almost 10 years, kaya nakakapanibago na ngayon, may bitbit na akong lunchbag palagi.

Bago lang ang lunchbag ko dahil nagdadala lang ako ng plastic bag para lalagyan ng tupperware. Bitbit ko lang ung plastic bag papasok ng opisina. Keber kung sino makakita diba, haha. Pero narealize ko, mas environmental friendly and it just made sense na bumili ng lunchbag. Syempre, bumili din ang asawa ko ng sa kanya.

R: Soon enough, you’ll forget how it is being single.

Nasabi nya yan nung minsang lumabas kami. Tinanong nya ako kung naaalala ko pa ba ung panahon na single ako. Masaya naman nung single ako, pero mas masaya ang buhay ko ngayon. May kashare na ako sa lahat. Uuwi ako ng bahay, makikita ko sya, kwentuhan, kain, lahat ng bagay na ginagawa ko nang magisa, ngayon kasama ko na sya. Ang sarap sa pakiramdam. May security. Mas nakakapagfocus ako sa ibang bagay.

Isa lang masasabi ko, masarap ang may asawa. May kakwentuhan ka kahit anung oras, kasama manood ng sine, mamasyal at tagabili ng lunchbag na terno pa kayo. Un nga lang, compromise din ang pagaasawa. Katulad na lang kapag mas gusto pala nya ung kulay blue kaya kailangang magbigay. 🙂

2 thoughts on “Lunchbag

Comments are closed.