I said Yes!

I check TimeHop everyday – walang palya yan. Curious kasi ako na malaman kung ano ba kaya ang nangyari sa akin a year ago, 2 years ago o kaya 5 years ago. So just like any otherday, binuksan ko ang IMG_1067 TimeHop app ko at ito ang nakita kong post ko, a year ago. Holy moly, ngayong araw last year ung first day ko para maghanap ng wedding dress. That was a year ago?! Ang bilis ng panahon! Bigyang bumalik sa akin ung mga pangyayari that day na parang kahapon lang nangyari. That was a weekday, Monday to be exact. Nagoff ako ng maaga sa trabaho dahil may appointment ako ng 3:00PM sa David’s Bridal. Back track tayo saglit — one week before ko binook itong appointment, nasa San Diego ako for work. Sinabi ko sa team leader ko noon na may appointment ako next week para maghanap ng wedding gowns. Buong linggo ata akong hindi nakakain masyado dahil pinagbabawalan nya ako. Lagi nyang pinapaalala na magsusukat ako ng gown, bawal tumaba, haha.

Balik tayo sa appointment – ayun, isinama ko ata lahat ng tao sa bahay, maliban sa tatay at isa kong kapatid na lalake. Kasama ko ang nanay ko, kapatid, sister in law at dalawang pamangkin. Bago pa man ako nagpunta sa appointment, medyo nagsearch na ako kung anung wedding gown ang gusto ko. Nagstick ako sa A-line dahil un daw ang flattering sa katawan ko. Ang dami ko atang sinave na wedding gowns sa David’s Bridal account ko. Nung day ng appointment, nakapili ako ng dalawang gown na nagustuhan ko.

Ung dress sa left ang unang dress na sinukat ko. A-line na may lace. Kita naman sa mukha ng nanay ko na nagustuhan nya. Nagustuhan ko din pero parang di ko feel ung sa may top area, hahaha. Medyo malaki kasiiii para sa akin. Simple lang din ung itsura kaya ok na din. Pero di ako solb masyado. So, sukat ulit ng isa pang dress (ung nasa right). Nagustuhan ko ung itaas pero super plain lang ng bottom part. Parang normal lang, nothing special. Kung may lace siguro na accent nagustuhan ko ito.

Umuwi akong luhaan that day kasi wala akong napili sa dalawang sinukat ko. Paguwi ko, nagschedule ulit ako ng appointment for next month para baka sakaling mahanap ko na ung wedding gown ko.

I watched Say Yes to the Dress. At dun sa show na un, may sinasabi silang “bridal moment”. I guess un ung part na as in malalaman mo na para sa’yo talaga ung wedding gown. Sabi nila, emotional daw tapos as in maiiyak ka. Hmmm, di ko naramdaman un nung unang beses kong naghanap ng gown. Sabi din nila, hindi lahat ng brides mararamdaman ung ganun pakiramdam. Well, hopeful ako na magiging emosyonal ako kapag suot ko na ung gown na para sa akin, hehe.

Dumating ang next month, another weekday ang appointment ko. Kasama ko pa din ang buong pamilya ko. Naghanap-hanap ako ng bagong designs, pero wala akong magustuhan. Sinuggest ng nanay ko na isukat ko ulit ung unang gown na sinukat ko tutal nagustuhan ko naman ito. So since, mother’s knows best at alam ko na gusto din un ng nanay ko, sinukat ko ito ulit.

Iba ung pakiramdam ngayon. Naalala ko na iniisip ko, ito na ba? Ito na ba ung gown na gagamitin ko? Dahil maganda ang pakiramdam ko sa gown ko, inayusan na ako nung isang sales associate na tumutulong sa akin. Inayos ang buhok at nilagyan ng veil. Ayun na. Bwisit. Nararamdaman ko nang maiiyak ako.

Ayoko nang attention sa akin — as in, ung lahat ng tao nakatingin lang sa akin, pero wala, lahat ng tao nakatingin sa akin dahil sa gown ko. Tapos ung sales associate na tumutulong sa akin, sinabi sa akin na isipin ko daw ung fiance ko at ung unang beses kong naramdaman na mahal ko sya. Ayun na. Nawala na. Luha.

2015-04-03 (1)

The first dress I wore, ended up the one that I said yes to. 🙂

I got my wedding gown that day. Ni hindi ko na nga maalala kung may sinabi pa ba ako. Basta pinatunog ko ung bell, ibig sabihin, I said yes to my dess. Ang sarap lang balikan ung pakiramdam. Kung gaano ako kasaya na papakasalan ko ung taong mahal ko. Kung gaano naging especial ang paghahanap ko ng gown dahil nakasama ko ang pamilya ko sa proseso. Ang saya. Hay. Salamat TimeHop. May mga ala-ala talaga ang masarap balik-balikan. 🙂