Ano ang pinaglalaban mo Mimay?

Usually, kapag may pausong catch phrase sa Pilipinas, hindi ako natutuwa o di kaya nakokornihan ako. Very vocal din ako sa pagsasabi na hindi  ko gusto ung mga pauso. Pero may isa na sa wakas, nagustuhan ko.

Ano ang ipinaglalaban mo?

Nakakatawa kasi nung unang beses kong mabasa yan sa social media, pucha, napaisip ako e. Pwede, ang galing. Kung sino man ang nakaisip nyan, super nairita ka siguro sa kausap mo tapos yan ang naisagot mo. Ano na naman ang pinaglalaban mo at ganyan ka.

Nagkaoras ako maglinis ng blog. Kaya naman nagkaroon ako ng chance na mabasa ung mga lumang posts ko. Napakadami kong oras na magsulat noon. Napakadaming emosyon palagi. Napakadaming pinaglalaban. Kaya habang nagbabasa ako ng mga kwento ko noon, isa lang ang tanong ko sa sarili ko, “Ano ang kadramahan at pinaglalaban ko noon?” Medyo madami. Nagkaroon pa nga ito ng sariling category e – Emo Daw. Ganyan ka-grabe ang pinaglalaban ko noon, may sariling category talaga, haha.

Ngayon, wala na akong oras magblog, in short wala na din akong masyadong pinaglalaban. Wala nang oras magisip ng kadramahan. Muntik ko na naman ngang hindi matapos itong entry dahil sa naguusap kami ng asawa ko. Pero nung nakita nyang nagsusulat ako dito sa blog, pinabayaan nya na lang ako.

Nakakaaliw magbasa ng mga lumang entry. Nagugulat na lang ako sa mga nababasa ko e. As in, naiisp ko, ako ba talaga ung nagsulat nun? Ako ba talaga ung nakaramdam ng ganung sakit, lungkot at drama? Well, ako nga talaga.

2 thoughts on “Ano ang pinaglalaban mo Mimay?

Comments are closed.